Isang construction worker sa Taguig arestado matapos makitaan ng shabu

0
12

Arestado ang isang construction worker nang mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang border checkpoint sa Taguig City.

Batay sa ulat ng Southern Police District, sinita lang dahil walang facemask ang 40 anyos na lalake na si “Randy” nang dumaan siya sa checkpoint ng mga pulis sa pagitan ng barangay Bagumbayan at Sucat.

Nang kapkapan siya nakitaan ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod sa paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, nahaharap din si Randy sa kasong paglabag sa notifiable disease law.