Saturday, May 4, 2024

Isang Chinese lumabag sa number coding, nang-araro pa ng mga sasakyan sa Maynila

- Advertisement -

Patung-patong na kaso ang posibleng kaharapin ng isang Chinese national matapos lumabag sa number coding at mang-araro pa ng mga sasakyan sa Maynila.

Pinapara di umano ng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ang Toyota SUV na minamaneho ng isang Chinese national dahil sa coding violation subalit sa halip na huminto ay humarurot pa ito.

Bumangga ang sasakyan ng dayuhan sa tatlong motorsiklo, isang e-bike at isang kotse bago ito nasakote ng otoridad.

Makikita sa video ng insidente na dinuraan pa ng Chinese national ang pulis na humuli sa kanya.

May nakuha rin umanong hininihinlang isang sachet ng shabu sa SUV.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img