Isang bahagi ng NLEX Northbound lane sarado hanggang Disyembre

0
22

Sarado 300 meter na bahagi ng lane 1 o ang pinaka kaliwang lane sa northbound ng North Luzon Expressway (NLEX) hanggang December 20.

Sa abiso ng NLEX Corporation, isinara ang nabanggit na bahagi ng expressway para bigyang daan ang konstruksyon ng Plaridel Bypass Road Southbound Exit Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pagtitiyak ng NLEX na maglalagay sila ng mga directional traffic signs sa mga strategic na bahagi ng express way.

Kaugnay nito, humihingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng NLEX sa mga motorista.