Saturday, May 11, 2024

Ilang opisyal ng PhilHealth pumirma ng bank secrecy waiver

- Advertisement -

Pumirma na sa waiver ang ilang matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para payagan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na silipin ang kanilang mga bank accounts.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, kabilang siya sa mga pumirma ng waiver kung saan kasama niya ang karamihan ng miyembro ng executive committee (execom).

Samantala, hindi makumpirma ni Domingo kung kabilang si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa mga pumirma sa bank secrecy waiver.

Gayunman iginiit ni Domingo na una na rin aniya nag-anunsyo si Morales na nakahanda itong sumailalim sa lifestyle check na isasagawa ng anumang ahensiya ng pamahalaan para pabulaan ang ibinabatong alegasyon ng kurapsyon dito.

Magugunitang sa pagdinig ng House of the Representatives, tatlong mataas na opisyal ng PhilHealth ang nagpahayag ng kanilang kahandaan na pumirma sa waiver.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -