Isang babae patay sa sunog sa Palawan

0
48

Isang babae ang patay habang tatlo ang sugatan sa sunog sa Puerto Princesa, Palawan.

Kinilala ang nasawing si Myrna Tesico, 49 taong gulang habang nasugatan sina Keila Tesico, walong taon, Kiersten Joy Tesico, 12 taong gulang at Russel Beunque, 19 taon, pawang residente ng Barangay San Miguel.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mahigit 20 kabahayan ang naabo sa sunog na inaalam pa ang sanhi.

Tinaya naman sa kalahating milyong piso ang halaga ng mga napinsala o natupok na ari-arian.

Samantala, ilang sunog din ang sumiklab sa Bacolod City, Negros Occidental; Calintaan, Occidental Mindoro; Alcantara, Romblon at Kidapawan City, North Cotabato noong Biyernes Santo at kahapon, Sabado De Gloria.