Tuesday, May 7, 2024

5 patay sa pagsalpok ng jeep sa concrete barrier sa Batangas

- Advertisement -

Lima ang patay habang 14 ang sugatan makaraang sumalpok ang kanilang jeep sa isang concrete barrier sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Ayon kay Batangas Provincial Police Office Director, Col Edwin Quilates, patungo sanang bayan ng Lobo, Batangas ang 19 na sakay ng jeep mula Calamba City, Laguna para mag-swimming kahapon.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver na si Wilfredo Macabubud, 59 anyos na kabilang sa mga nasawi.

Dalawang beses anyang nasiraan ang jeep pero pinili pa rin ng mga pasaherong ituloy ang biyahe.

Nananatili sa Queen Mary Hospital sa Ibaan at Batangas Medical Center sa Batangas City ang iba pang nasugatan sa aksidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img