Baguio City – Sa panayam kay Mayor Benjamin Magalong ng mga mamamayag, kanyang ipinaliwanag wala pang plano para maitayo North bound terminal dahil sa uunahin muna ang paglilipat ng mga vendors sa naturang lugar. Sinabi rin niya na maaring matatagalan pa bago yon maitayo.
Sinabi ng Alkalde na ang mga ganitong proyekto ay sa pamamagitan ng PPP o ang Public-Private Partnership (PPP) na ibig sabihin ay isang kontraktwal na kasunduan sa pamalahaan at pribadong kompanya na kasunduan nakatarget sa pagpopondo.
Ang plano na maitayo ang Baguio City Integrated Terminal Project, ay nagnanais na makapagpatayo ng isang pinagsamasamang terminal sa kahabaan ng Marcos Highway.
Ninanais ng naturang terminal na magsilbi sa mga pasahero ng nanggaling sa mga probinsiya at madala ang mga ito sa pamamagitan ng ibang paraan ng transportasyon na papunta sa loob ng lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
