Isa sa mga akusado sa Maguindanao Massacre naka-confine sa ospital

0
12

Nananatiling naka-confine sa Makati Medical Center ang isa sa mga akusado sa Maguindanao Massacre.

Si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan ay na admit sa ospital nuong October 22 halos isang 1 buwan bago ang promulgation sa nasabing kaso na 10 taon nang nangyari.

Si Ampatuan ay diabetic, hypertensive at mayruong chronic atrial fibrillation.

Ang isa pang akusado sa krimen na si Andala Ampatuan Sr., ama ni Zaldy ay nasawi habang nakakulong nuong 2015.