57 seater ferry nakatakdang idagdag sa mga barko sa Pasig River

0
20

Isang 57 seater ferry ang nakatakdang idagdag sa mga buma-byaheng barko sa Pasig River.

Ipinabatid ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil kulang pa ang buma-byaheng barko sa Pasig River.

Sinabi ni Sotto na sa susunod na buwan ilulunsad ang M/B Mutya ng Pasig 1 na kayang magsakay ng halos 60 katao.