Saturday, May 18, 2024

Isa sa may ari ng Wellmed Dialysis Center pinalaya na sa kustodiya ng NBI

- Advertisement -

Pinalaya sa kustodiya ng NBI o National Bureau of Investigation ang isa sa may ari ng Wellmed Dialysis Center na inuugnay sa ghost dialysis scam na nabunyag sa Philhealth.

Ayon kay Atty. Rowell Ilagan, nag piyansa si Dr. Bryan Sy ng 72,000 pesos para sa kasong Estafa na isinampa sa kanya ng Department of Justice.

Ipinag utos ng korte ang pagpapalaya kay Sy noong Sabado ngunit kahapon Linggo pa lamang siya nakalabs ng kulungan dahil sa wala ang ilang signatories sa NBI.

Una nang inaresto ng NBI si Sy noong Lunes, June 10 kasunod na rin ng naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang may ari ng Wellmed para mapanagot sa libu – libong claim nito sa Philhealth kahit pa patay na ang mismong mga dialysis patients.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -