DOT positibong dadami pa ang bilang ng mga turistang bibisita sa bansa ngayong taon

0
47

Positibo ang Department of Tourism na mas lolobo pa ang bilang ng mga turistang bibisita sa bansa ngayong taon sa kabila ng ginagawang rehabilitasyon sa ilang pangunahing mga tourist destination.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat, mananatiling nakabukas ang mga pangunahing destinasyon sa bansa sa kabila ng isinasailalim ng rehabilitasyon.

Bukod dito, ang pagbubukas ng mga bagong paliparan at kalsada ay magdudulot ng mas madali at mas mabilis na byahe sa mga turista patungo sa major tourist spots nang hindi dumadaan sa Metro Manila.