Isa patay 6 sugatan sa sunog sa isang condominium building sa Parañaque

0
48

Isang 80 anyos na babae ang patay habang anim ang sugatan at dalawang aso ang narescue matapos matupok ang isang condominium building sa Parañaque City.

Hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Zenaida Uno nang marekober ito sa 21st floor ng Pacific Coast Tower sa Barangay Tambo, kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection- NCR, mag-a-alas 12:00 ng tanghali nang sumiklab ang sunog kung saan pinaka-matinding naapektuhan ang 8th hanggang 23rd floors.

Umabot sa general alarm ang sunog bago tuluyang maapula dakong alas 3:00 ng hapon.

Hinihinalang nagsimula ang apoy sa garbage chute ng condo kung saan itinatapon ang pinagsama-samang basura ng mga tenant habang inaalam na ang halaga ng mga natupok o naabong ari-arian.