Isa pang Pinoy sa HK nagpositibo sa COVID-19

0
16

Isa na namang Pilipino ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General Office sa Hong Kong, kinumpirma ito ng Hong Kong health department na may isang Pinoy sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa tatlo ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng konsulada na handa silang umayuda sa anumang pangangailangan ng pasyente.