31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Isa pang empleyado ng kamara na tinamaan ng COVID-19 pumanaw na

- Advertisement -

Binawian ng buhay ang isa pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) —ito na ang ikatlong kaso ng pagpanaw dahil sa nakahahawang virus sa kamara.

Ito, ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ay isang 52-taong gulang na empleyado na nakatalaga sa Bills and Index Service ng kamara.

Aniya, ika-18 ng Hunyo ay naka-work-from-home na ang nabanggit na empleyado ngunit nagtungo sa Batasan Pambansa noong ika-29 ng Hunyo para magsumite ng ilang mga dokumento.

Nabatid na nagpositibo sa nakahahawang virus ang naturang empleyado noong ika-20 ng Hulyo makaraang ma-ospital noong ika-17 ng kaparehong buwan dahil sa naranasang sintomas ng virus.

Mayroon din umanong hypertension ang pasyente.

Sa ngayon, mayroon nang 18 empleyado ng kamara na tinamaan ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -