IRM sinuspindi ng PhilHealth

0
17

Sinuspindi ng PhilHealth ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) nito sa gitna ng mga kontrobersya hinggil sa payment system.

Sinabi ng PhilHealth na kailangang repasuhin muna nila ang nasabing sistema at resolbahin ang mga isyung bumabalot dito.

Nangako ang PhilHealth na gagawa ng paraan para mabilis na maging tugon ang IRM sa mga pangangailangan ng healthcare facilities na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic para matiyak ang patuloy na access ng mga pasyente sa kinakailangang health services.