DepEd nakikipag-usap na sa mga private school sa NCR para gawing quarantine facility

0
9

Nakikipag-usap na ang Department of Education (DepEd) sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila para gawing quarantine facility ang mga ito.

Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones matapos pumayag ang ilang pampublikong paaralan sa National Capital Region na ipagamit ang halos 18,000 silid aralan bilang isolation facilities.

Sinabi ni Briones na malaking tulong kung papayag ang private schools na ipagamit ang kanilang classrooms para paglagakan ng mga na impeksyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).