Inihahanda ng pamahalaang lokal ng Albay ang mga newly-elected Barangay Officials na maging katuwang sa pagkamit ng zero casualty goal sa oras ng kalamidad.
Pinangunahan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pagsasanay ng mga opisyal, katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG), sa layuning malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga opisyal sa pagtugon sa emergencies at pagpapanatili ng public health and safety lalo na sa panahon ng kalamidad.
Binigyang diin ni Daep na nasa barangay ang first line of defense kung kaya’t mahalaga ang paglahok sa nasabing capacity-building activity.
Kanya ring pinaliwanag ang kahalagahan ng mga functions and responsibilities ng bawat miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) sa pagbuo ng disaster-resilient communities.
Nagsanay din ang mga opisyal sa paggawa ng disaster preparedness plan katuwang ang kanilang komunidad.
(Source: Albay Provincial Information Office)