Iriga: West Philippine Sea Symposium held in UNC Naga City

0
5

Nagsisimula nang dumagsa ang mga mag-aaral ng University of Nueva Caceres (UNC) sa West Philippine Sea (WPS) Symposium sa Naga City ngayong Miyerkules, Setyembre 3, 2025.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng pagtatanggol sa maritime sovereignty at territorial integrity ng bansa, lalo na’t talamak ang pagkalat ng mga maling impormasyon ukol sa WPS.

Bibigyang-diin sa pagtitipon ang estratehiya ng gobyerno nasyonal upang isulong ang pambansang interes ng Pilipinas sa WPS tulad ng pagpapanatili sa territorial rights, global diplomacy, at ang tungkulin ng kabataan sa pagsusulong ng adhikaing ito.

Sanib-pwersa ang Philippine Coast Guard Philippine Coast Guard at Philippine Information Agency sa pagpapatibay sa adbokasiya na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Source: PIA Bicol Region

Leave a Reply