Iriga: Virac MPS, Nagsagawa ng Send-Off Ceremony para sa mga Deployed Personnel sa Halalan 2025

0
15

Virac, Catanduanes – Isinagawa ngayong araw Mayo 3, 2025, ang isang makabuluhang Send-Off Ceremony ng mga kapulisan para sa bayan ng Virac na itatalaga sa iba’t ibang polling precint para sa nalalapit na Halalan 2025.

Pinangunahan ang seremonya ng Virac Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ROBERT KEVIN T CAPARROSO, Hepe ng Virac Mps, mga kinatawan mula sa Commission on Elections (COMELEC), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG). Layunin ng okasyong ito na bigyang pagkilala at moral na suporta ang mga tauhang maglilingkod sa halalan upang matiyak ang isang mapayapa, malinis, at tapat na eleksyon.

Nagsagawa ng blessing at panalangin si Pastor Rolly Santos bilang espiritwal na gabay sa mga personnel. Kasunod nito ang ceremonial inspection ng mga sasakyan at kagamitan na gagamitin sa halalan.

Ang nasabing seremonya ay pagpapakita ng kahandaan ng bayan ng Virac sa pagsuporta sa isang maayos at ligtas na pagdaraos ng Halalan 2025.

Source: PNP Kasurog Bicol

Leave a Reply