Iriga: Tulak ng ilegal na droga, timbog sa buy-bust operation ng Calabanga PNP

0
17

Arestado ang isang lalaki na tulak ng ilegal na droga sa inilunsad na buy-bust operation ng operatiba ng Calabanga PNP sa Purok 1, Barangay Bigaas, Calabanga, Camarines Sur .

Kinilala ni PLTCOL RODEL B PILI, Hepe ng Calabanga MPS ang suspek sa alyas “Joe”, 28, walang trabaho at residente ng Purok 5, Barangay Camuning, Calabanga, Camarines Sur.

Ayon kay PLTCOL PILI, ikinasa ang operasyon bandang 10:05 ng gabi sa nasabing lugar ng mga personahe ng Calabanga Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Sur Provincial Office.

Ang nasabing suspek ay nabilhan ng isang (1) plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang ginamit na buy-bust money na nagkakahalaga ng Php500. Sa isinagawang body search ay nakuha pa dito ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinala rin na shabu na nagkakahalaga ng Php1,000.

Sa kasalukuyan ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng Calabanga MPS upang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via PCADG Bicol Region V, photo credits to the owner)

Leave a Reply