Iriga: TS Dante inaasahang lalabas ng PAR bukas ng hapon o gabi- PAGASA

    0
    14

    Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Tropical Storm (TS) Dante bukas ng hapon ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

    Huling namataan si TS Dante sa layong 900 km silangan ng Extreme Northern Luzon.

    Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 km/h malapit sa gitna, pagbugso na umaabot sa 80 km/h, at central pressure na 996 hPa.

    Patuloy ang pagkilos nito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

    Sa kabila ng malaking sakop o diyametro ng bagyo ay hindi naman ito direktang makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa, at hindi rin magtaas ng anumang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ang state weather bureau kaugnay dito.

    Samantala, naging ganap nang bagyo ang isa pang low pressure area sa kanlurang bahagi ng Babuyan Islands.

    Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA, namataan si Tropical Depression Emong sa layong 115 km kanluran hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

    Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna, pagbugso na umaabot sa 55 km/h, at central pressure na 996 hPa.

    Patuloy ang pagkilos nito pakanluran timog-kanluran sa bilis na 35 km/h.

    Sa kasalukuyan nakabandera ang TCWS no. 1 sa Ilocos Norte, western portion ng Ilocos Sur (Sinait, San Juan, Cabugao, Santo Domingo, Magsingal, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Santa Maria, San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin), northwestern portion ng La Union (City of San Fernando, San Juan, Bacnotan, Luna, Balaoan, Bangar, Bauang), at western portion ng Pangasinan (Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini, Anda).

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply