Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbisita sa Camarines Sur Food Complex ngayong araw, March 23, upang maipakita sa publiko ang flagship agricultural initiatives at proyekto para sa mga kababayang magsasaka sa Bicol region.
Isa na dito ang fruit and vegetable processing facility at ang Bicol mega cold storage facility sa bayan ng Pili kung saan mismong natikman ng Pangulo ang coco cola at coco mangosteen drinks – mga masustansyang inumin na gawang lokal at pwedeng ihanay sa mga world-class delicacies.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na makadaupang-palad ang mga magsasaka sa isang ugnayan, at magalak na bigyang kasagutan ang kanilang mga taong para sa pamahalaan. Kasama ng Pangulo si Department of Agriculture – Philippines Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr.
Dahil dito, labis ang galak ng mga kababayan sa Bicol para sa suporta at tulong na kanilang nakita at naramdaman para sa mga Pilipino.
Ang mga pasilidad na ito ay tinatayang makatutulong sa higit 204k magsasaka sa buing rehiyon.
Source: PIA Bicol Region
