Nagtalaga na ng ‘Pick-up Stations’ ang Tabaco City para sa mga pampasaherong padyak at tricycle sa lungsod.
Ito’y matapos maaprobahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) ang City Ordinance No. 8-068, series of 2024 o ang “Designating Some Various Streets as Pick-up Stations of Padyak and Motorized Tricycles in the City of Tabaco.”
Sa bisa ng ordinansang ito, 11 designated areas sa mga city road ang magsisilbing pick-up stations para sa mga padyak habang 12 naman ang para sa mga tricycle.
Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay mayroon na multa na aabot sa P500 para sa 1st offense, P1,000 para sa 2nd offense, at P5,000 naman para sa 3rd at succeeding offense.
Samantala, ang naturang ordinansa ay alinsunod rin sa “Tabaco City Sidewalk Ordinance” na nagbabawal sa mga sasakyan sa lugar na sakop ng mandatong ito.
Source: Albay PIO
