Pormal nang nanumpa ang mga information officers mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng Regional Government Communicators Network – Bicol (GC Net-Bicol) ngayong Huwebes, Setyembre 4, sa Legazpi City.
Pinangunahan ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Katherine Chloe De Castro ang panunumpa ng mga kasapi ng Regional Government Communicators Network.
Ani DG De Castro, handa ang PIA na palakasin pa ang kakayahan ng mga information officers sa Bicol sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa strategic communication.
Sa mensahe ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng information officers sa pamamahagi ng tamang impormasyon lalo na sa mga programa ng gobyerno.
Layunin ng government communication network na epektibong maihatid sa komunidad ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Dinaluhan din ang aktibidad ng mga regional directors mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Bicol.
Source: PIA Bicol Region