Sa hangarin ng Albay PPO na matiyak ang seguridad ng mga mamamayan na tumatangkilik sa muling pagbubukas ng operasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa Albay, ay personal na sinuri kanina ni PCOL FERNANDO L CUNANAN JR, Provincial Director, Albay PPO, ang kalagayan ng mga pasahero at mga empleyado sa istasyon ng tren sa lungsod ng Legazpi.
Inalam din ni PD Cunanan ang kahandaan ng PNR sa pagbibigay ng seguridad at asistensya sa sinumang pasahero na mangangailangan nito. Bilang pagsuporta ay iminungkahi rin niya sa management ang paglalagay ng “police marshall” na magiging katuwang ng mga tauhan ng PNR sa pagpapaigting ng seguridad sa nasabing transportasyon at higit pang magpapalakas sa ugnayan ng kumunidad at pulisya.
(Source: Albay PPO)
