Iriga: Science, Technology, and Innovation toward sustainable Bagong Pilipinas

0
52

 

Tampok ang mga proyekto at programa ng gobyerno sa isinagawang press conference ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST PCHRD) ngayong Miyerkules, Agosto 13, 2025 sa Legazpi City.

Binigyang-diin ni DOST Secretary Renato Solidum, Jr., ang tungkulin ng agham, teknolohiya at inobasyon sa pagresolba ng mga hamong kinakaharap ng mamamayang Pilipino.

Ani kalihim, mayroong apat na strategic pillars ang DOST: Isulong ang human-well being, magkaroon ng trabaho ang mamamayan, maging ligtas ang buhay at kabuhayan at magkaroon ng sustainability.

Layunin ng DOST na pangunahan ang aplikasyon ng agham at teknolohiya para sa economic at social benefits ng mga Pilipino. Dagdag niya, dapat maintindihan ng mga tao ang epekto ng siyensya, teknolohiya at inobasyon sa buhay ng tao.

Ayon naman kay Jaime Montoya, ang executive director III ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST, mahalagang isulong ang “One Health for All” at pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng tao, mga hayop at ng kapaligiran, partikular sa pagkalat ng mga sakit.

Ani Montoyoa, mahalaga ang tungkulin ng Philippine National Health Research System (PNHRS) sa pagtugon ng problema sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsulong ng ethical practices, pagtatatag ng health research sa bansa at iba pa.

Kasama sa press conference sina DOST Regional Director Rommel Serrano, DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Renato Mabborang, DOST Albay Provincial Director Domingo Peña at Pio Justin Asuncion, chief ng Health Research Division, Health Policy Development and Planning Bureau ng Department of Health.

Source: PIA Bicol Region

Leave a Reply