Iriga: Ruta para sa Grand Santacruzan sa Mayo 30, kasado na

    0
    14

    (Legazpi City, May 25, 2025) Kinumpirma na ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang magiging ruta ng gaganaping Grand Santacruzan sa darating na Biyernes, ika-30 ng Mayo. Ayon sa Provincial Tourism, Culture and Arts Office – Albay magsisimula ang Grand Santacruzan sa ganap na alas-4 ng hapon sa bahagi ng Sea Oil Gas Station sa Tahao Road, liliko sa Peñaranda Park, at magpapatuloy na hanggang sa Albay Astrodome.

    Mag-uumpisa naman ang road closure sa bahagi ng nasabing paaralan kung saan inaasahang magtitipon ang aabot sa 27 na mga sagala.

    Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang pansamantalang pagsasara ng kalsada at pagbabago ng ruta ng trapiko sa nasabing mga kalsada upang matiyak ang maayos at ligtas na aktibidad para sa mga kalahok at sa publiko.

    Magtatalaga rin ng mga tauhan mula sa iba’t ibang opisina sa lungsod at lalawigan kasama ang iba pang mga ahensya upang pangasiwaan ang daloy ng trapiko at tulungan ang mga motorista.

    Samantala, nakatakdang ipalabas ang traffic advisory at mga alternatibong ruta sa mga susunod na araw.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply