28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Iriga: Rehiyon Bicol, nagsisimula na sa Seed Production at Grain Production ng Golden Rice

- Advertisement -

Matapos maaprubahan ang commercial propagation ng genetically engineered na golden rice ay sinimulan na ang seed at grain production nito particular sa kabikulan.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang lalawigan ng Catanduanes ang siyang napili sa Bicol kasama ang anim pang ibang lalawigan sa bansa para sa pilot areas ng Golden Rice Program. Napili ang Catanduanes dahil sa mataas na kaso nito ng malnutrisyon. Ayon sa 2015 survey ng Department of Science and Technology- Food and Nutrition Research Institute, 59 percent ng mga bata ritong nag e-edad singko anyos pababa ay Vitamin A deficient.

Ayon kay Ellen Vilate, Nutrition Adviser ng Golden Rice Program, malaki ang maitutulong ng golden rice para sa mga malnourished na mga bata. “Ang golden rice po ay very important sa ating mga kabataan because napakataas ng ating vitamin A deficiency data dito sa mga provinces, yung ating kabataan na stunted are most likely vitamin A deficient, also those who are underweight and if they are vitamin A deficient they are more prone to serious diarrhea, serious pneumonia and measles and vitamin A deficiency weakens the immune system of our children”, ani Vilate.

Target ng Department of Agriculture kasama ang Philippine Rice Research Institute na magkaroon ng 10% na golden rice production sa taong 2027 na magiging bahagi ng kabuuang palay production. Ito ay para raw matugunan ang problema sa malnutrisyon kung saan nasa dalawang milyon na mga bata sa Pilipinas ang Vitamin A deficient.

Habang may seed production ay may ginagawa ring grain production. Sa Catanduanes ay may naani na at sa darating na Hulyo bilang bahagi ng nutrition month ay may ipapakain nang golden rice sa mga batang kasali sa feeding program.

Taon 2011 pa nagsimula ang pag-aaral sa golden rice kung saan napili ang Bicol bilang isa sa mga testing sites. Pero nagkaroon ng kontroberya dahil sa sunod sunod na protesta ng mga militanteng grupo at sinira ang testing site na nasa loob mismo ng DA sa Pili, Cam Sur.

Panawagan naman ni Father Noli Alparce na kasama sa programang ito, maganda raw ang hangarin ng programa at sana ay maintindahan ito lalo na ng mga militanteng grupo. Ang gobyerno na ang nagmamay-ari ng patent nito kung kaya’t wala na ang pangamba na mahawakan ito ng mga multinasyunal na korporasyon.

Ayon kay Alparce, “I would like to appeal tama na yung pagspread ng fake news or misinformaton about genetic engineering. For the past 22 years since the BT corn and some genetically modified products into the world you google it, not one person in the world has died because of eating a genetically modified food, but there were people who ate unsafe organic vegetable who because of e-coli or salmonella died of infection”.

Kaya naman panawagan ngayon ng DA na sana ay suportahan ang golden rice program na malaki ang maitutulong para masolusyunan ang problema sa malnutrisyon ng bansa.

Ang golden rice ay naglalaman ng beta carotene na pinagmumulan ng vitamin A na nagbibigay ng dilaw o mala-ginto nitong kulay. Pareho lamang raw ang presyo nito sa mga ordinaryong bigas at maging ang pagtatanim nito ay kagaya rin sa pagtatanim ng mga karaniwang variety ng bigas.

Source: Bicol PH

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -