Iriga: Ranked No. 3 Municipal Most Wanted Person sa Baao, arestado

0
0

Sa pinaigting na kampanya ng Baao Municipal Police Station laban sa mga taong pinaghahanap ng batas, arestado ang isang lalake sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Family Court, 5th Judicial Region, Branch 7, Iriga City sa kasong Five (5) counts of Statutory Rape under Art 266-A of RPC as amended by RA 16568() with criminal case no. IR-16564, IR-16565, IR-16566, IR-16567 and IR-16568.

Arestado ng PNP Baao sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ DIVINO JOHN B PELEA, OIC, ang No. 3 Municipal Most Wanted Person mga bandang 6:00 ng gabi ika-6 ng Pebrero taong 2023, si alyas “TOTOY”, 40 taong gulang, walang trabaho, sa kanyang tinitirhan sa Liboton St., Brgy. Buluang, Baao, Camarines Sur. Ang kanyang kaso ay walang inirekomendang piyansa.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyan nasa kostudiya na ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. (Jv Navarro Verdeflor Jr.via Baao MPS)

Leave a Reply