Iriga: Provincial government of Albay ipinag-utos ang pagpapatupad ng localized class suspension sa lalawigan dahil sa epekto ng Shearline

0
14

Ipinag-utos ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Albay Public Safety Emergency Management Office (PDRRMC-APSEMO) ang pagpapatupad ng localized suspension ng klase ngayong araw, Nobyembre a-katorse.

Ang naturang kautusan ay batay na rin sa inilabas na advisory na pirmado ni Governor at PDRRMC Chair Atty. Edcel Grex Lagman kung saan ang naturang localized suspension ay dahil na rin sa epekto ng shearline sa lalawigan na nagdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan na maaring magresulta sa localized flash flood at landslide.

Ipinapaubaya na sa mga LGUs ang pagpapatupad ng class supension batay na rin sa kanilnag risk assessment at kasalukuyang kondisyon ng panahon.

Samantala, inatasan naman ang lahat ng City at Municipal DRRMO na maging mapagmatiyag at manatiling nakamonitor sa weather bulletin ng PAGASA at sa mga lugar na prone sa pagbabaha, lahar, flashfloods at landslide at gumagawa ng kaukulang hakbang at magpatupad ng evacuation kung kinakailangan.

(Source: Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council)

Leave a Reply