27.7 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Baguio: Engr. Melchor Licoben muling ibinalik bilang General Manager ng Benguet Electric Cooperative

- Advertisement -

Muling nailukluk si Engr. Melchor Licoben bilang General Manager ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) matapos mairekommenda ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA). Wala ng iba pang kandidato kundi si Engineer Licoben ayon kay Steve Cating, ang interim Board of Directors Chairperson na nagsalita sa ngalan ng task force na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng Baguio at ng probinsiya ng Benguet.

Kasabay nito ang pagbati kay Engineer Melchor S. Licoben sa opisyal nitong pagtatalaga bilang General Manager ng Benguet Electric Cooperative. Ani ginoong Cating, hinahangad nila ang pag-unlad ng Benguet Electric Cooperative sa susunod na 50 taon habang inaasahan nila ang pagrenew ng franchise nito.

“Ang pag endorse ng mga empleyado ng Benguet Electric Cooperative ay lalong pinalakas ng lokal na gobyerno ng Baguio at ng probinsya ng Benguet ganon din ng mga member-consumer-owners (MCOs) na nagpapakita ng matinding pagsuporta nila sa bagong General Manager.

Kamakailan lamang, nangako si  NEA Administrator Antonio Almeda na kanyang itatala ang bagong  GM noong Oktubre a 6 ang araw ng BENECO Employees Awarding at ang 50th Anniversary Program nito bilang isa sa mga pangunahing pangdangal sa naturang pagtitipon.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BENECO)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -