Iriga: PRO 5 Nagdeploy ng 200 Kasurog D.E.A.R Personnel para sa Clearing Operations sa mga apektadong lugar ng Bulkang Mayon

    0
    2

    Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon at malasakit ng Police Regional Office 5 sa mga mamamayang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nagdeploy ito ng mahigit 200 contingent personnel mula sa KASUROG D.E.A.R. (Disaster Emergency Assistance Response Team) sa bayan ng Guinobatan, Albay upang maging katuwang ng Bureau of Fire Protection sa pagsasagawa ng debris clearing, flushing, at de-clogging operations sa mga lugar na matinding naapektuhan ng ashfall.

    Layunin ng nasabing operasyon na agarang maibalik sa maayos na kalagayan ang mga pangunahing kalsada, drainage system, at iba pang pampublikong lugar upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga residente. Katuwang ng mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya, walang sawang nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng PRO 5 upang makatulong sa mabilis na rehabilitasyon ng komunidad.

    Ito ay bahagi rin ng “Bicol Shield” at resilient efforts ng PRO 5 na naglalayong palakasin ang kahandaan, mabilis na pagtugon, at koordinasyon sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations sa rehiyon. Sa pamamagitan ng programang ito, higit pang pinagtitibay ng PRO 5 ang kakayahan sa disaster response at community assistance upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ng Bicol Region.

    Ang gawaing ito ay isang malinaw na patunay na ang PRO 5 sa pamumuno ni PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, ay nananatiling tapat sa mandato nitong magbigay ng “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” lalo na sa panahon ng kalamidad at pangangailangan. Higit pa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, ipinapakita rin ng kapulisan ang malasakit, kahandaan, at dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan sa oras ng sakuna.

    Patuloy rin ang PRO 5 sa pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng tulong sa iba pang karatig munisipalidad na naapektuhan ng ashfall at iba pang epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Kabilang dito ang pagsasagawa ng humanitarian assistance, relief distribution, road clearing operations, at iba pang disaster response activities upang matiyak na naaabot ang mga residenteng nangangailangan ng agarang suporta.

    Sa kabila ng panganib at hamon na dulot ng kalamidad, nananatiling handa at nakaalalay ang PRO 5 sa bawat mamamayan—patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay may malasakit, pagkakaisa, at mabilis na aksyon para sa kapakanan ng nakararami.

    Source: PNP Kasurog Bicol

    Leave a Reply