Iriga: PNP Nabua nagsagawa ng courtesy New Year’s Call sa Local Chief Executive ng Bayan

0
5
photo courtesy of Nabua MPS CSPPO

Nabua, Camarines Sur – Isang buong pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Fernando Simbulan sa mga miyembro ng kapulisan matapos isagawa ang New Year’s Call kasama ang nasabing Punong Bayan, bandang alas-10:30 ng umaga, ika-14 ng Enero, 2025.

Sa naturang pagpupulong, ibinahagi ng kapulisan ang ilan sa mga matagumpay na programa’t serbisyo na kanilang nagawa katuwang ang lokal na pamahalaan, partikular na ang maigting na implementasyon ng Peace and Order sa bayan. Naging sentro ng talakayan ang mga plano at mga hakbangin ng kapulisan laban sa kriminalidad kasama ang lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Mayor Simbulan, na ang panibagong taon na ito ay simbolo ng panibagong oportunidad upang mas mapalawak pa ang serbisyong hatid para sa mga Nabueño. Kanya ring binigyang-puri, ang hindi matatawarang kontribusyon ng kapulisan na naging isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mas napapanatili ng bayan ng Nabua ang katahimikan at kaligtasan nito.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at tagapagpatupad ng batas, pagyamanin ang mga relasyon sa komunidad at maagap na pag-iwas sa krimen. Ito rin ay nagpapahiwatig ng paggalang at pagpapanibago ng pangako sa patuloy na pagtutulungan para sa kaligtasan at pag-unlad ng komunidad.

(Source: Nabua MPS CSPPO)

Leave a Reply