Iriga: PGA-BFSO namahagi ng iba’t-ibang construction materials sa 18 barangays ng Daraga

0
10
photo courtesy of Albay PIO

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Pamahalaan Lokal ng Albay ng mga construction materials at iba pang mga pangangailangan ng mga Barangay sa lalawigan.

Pinangunahan ang nasabing distribusyon ng Barangay Facilities Services Office (BFSO).

Kabilang sa mga lugar na naging benepisyaryo nito ay ang mga barangay ng Binitayan, San Roque, Kilicao, Bañadero, Alobo, Maroroy, Kimantong, Salvacion, Inarado, Kinawitan, Mabini, Budiao, San Ramon, Namantao, Mi-Isi, Villahermosa, Bagumbayan, at Canarom, sa bayan ng Daraga.

Ilan sa mga naipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ay ang semento na may kabuuang 500 bags, 30 units na solar street lamps, 21 rolls ng P.E. pipes, 18 units na jetmatic pumps, at 18 balde ng pintura.

Ang naturang distribusyon ay ginanap kahapon, ika-4 ng Nobyembre sa Binitayan Covered Court.

Bago pa man ang nasabing distribusyon, naisumite na ng mga ito ang mga kinakailangan mga dokumento para sa kanilang mga request.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply