Iriga: PBBM bumisita sa Naga City

0
2

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos sa inspeksyon ng Oplan Kontra Baha sa Maogmang Lugar ng Naga City, ngayong araw. Sinalubong ni Mayor Leni Robredo, ang dating bise-presidente, si Pangulong Marcos na kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Engr. Jose Ramon “Ping” P. Aliling, Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr. at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

Ngayong araw ay sinilip ng Pangulo at mga opisyal ang Kontra Baha Operations sa Bicol River Basin.

Alinsunod sa proyektong ito ang mga short-term actions plan ng lokal na pamahalaan tulad ng paglilinis ng mga drainage na barado dahil sa basura, pagpapaluwag at pagsasaayos ng mga ilog, pagpapanumbalik ng mga pumping station, pag-aalis ng mga ilegal na istruktura sa mga daluyan ng tubig, at pagbibigay ng maayos at tamang daluyan ng tubig.

Source: PIA Bicol Region

Leave a Reply