Suspendido na ang pasok sa lahat ng pampubliko at mga pribadong paaralan sa Albay dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ng orange rainfall warning sa lalawigan dulot ng trough ni STS Bebinca na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito ay huling namataan 1,605 km silangan ng Batanes habang taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 km/h.
Habang ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ay nakakaranas pa rin ng malalakas na ulan dulot ng pinagsamang epekto ng enhanced Southwest monsoon o habagat, at ni STS Bebinca.
Base sa latest satellite images ng PAGASA, posibleng pumasok ang bagyo mamayang hapon o gabi, at inaasahang lalabas din agad ito ng PAR.
Source: Albay PIO