35 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Iriga: Parol Making At Iba Pang Mga Aktibidad Ibinida Ng Grupong Ginso Sa Piot, Sorsogon

- Advertisement -

Sorsogon City – Ibinida ng isang grupo sa Purok 2 Brgy. Piot ang kanilang ginagawang makukulay na parol. Sila ang grupo na kung tawagin, Garantisadong Iribahan sa Maray na Obheto sa Kapwa o (GINSO).

Layon ng nasabing grupo na makapaghatid ng kasiyahan sa halos 200 na kabataan edad 1 hanggang 16 anyos sa kanilang lugar. Target ng grupo na makagawa ng maraming parol upang makalikom ng ₱ 20,000 na halaga upang mabigyan ng regalo ang mga kabataan sa papalapit na kapaskuhan.

Nabuo ang grupo nito lamang taon sa pamamagitan ng isang lokal na mamamahayag sa Sorsogon na si Boris Maraño. Ayon kay Maraño, layunin ng kanilang grupo ang pagkakaisa at pagtutulungan upang makagawa ng kabutihan sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Aniya, wala umanong bayad na nagtatrabaho ang kanilang mga miyembro, ngunit masaya ang mga ito na mayroon silang natutulungan sa maliit na paraan.

Bukod sa paggawa ng makukulay na parol, nagkaroon rin ng ilang aktibidad ang grupo kagaya ng pagpapakabit ng jetmatic pump, regular na clean-up drive, pagpapasemento ng daluyan ng tubig at paglinis ng mga drainage canals upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang lugar.

Sa pamamagitan naman ng financial assistance mula sa ilang lokal na opisyales ng lungsod, nabigyan rin nila ng tulong ang ilang mga residente.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga miyembro sa mga taong walang sawang sumusuporta sa layunin ng kanilang grupo.

(Source: BICOL News ITV Facebook page, photos courtesy of Boris Maraño)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -