31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Iriga: Pagpaparehistro sa PhilSys para sa mga bata edad 1-4, sinimulan na ng PSA Bicol

- Advertisement -

Sinumulan na ng Philippine Statistics Authority Bicol ang pagpaparehistro sa PhilSys Step-2 Registration para sa mga bata edad 1 hanggang 4-anyos.

Sinabi ng ahensya na kasama sa mga kinokolekta sa mga bata ay ang kanilang kumpletong biometric information kagaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan, blood type, at address.

Sa pagpaparehistro, kinakailangang samahan ng magulang o guardian ang batang magpaparehistro sa Registration Center.

Kaugnay nito, hinihikayat ng PSA Bicol ang mga bikolano na iparehistro na ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na PhilSys Registration Center sa kanilang lugar. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -