IRIGA: Pagpapaigting sa Seguridad sa Boarder Control Points, ipinatupad.

    0
    9

    Ipinapatupad ng mga Kapulisan ng Albay ang mas pinaigting na seguridad sa mga border control points na matatagpuan sa loob ng 6–7 kilometro mula sa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon, na kasalukuyang nasa Alert Level 3.

    Ayon kay PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay, layunin ng hakbang na ito na masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at mahigpit na maipatupad ang pagbabawal sa pagpasok sa mga lugar na itinuturing na high-risk. Dagdag pa niya, nakatalaga ang mga kapulisan sa mga strategic na lugar upang bantayan ang mga checkpoint, magbigay ng agarang responde sa mga emergency, at mapanatili ang kaayusan.

    Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Albay Police Provincial Office sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga safety measures kaugnay ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

    Hinimok naman ni PCOL NUÑEZ ang publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.

    Source: Albay PPO

    Leave a Reply