Patuloy ang mahigpit na monitoring ngayon ng PAGASA sa low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa pinakahuling datos mula sa ahensya, namataan ito sa layong 2,750 km silangan ng Central Luzon at sa ngayon ay mababa ang tyansa nitong pumasok ng PAR.
Inaasahang tatahakin nito ang direksyon papunta ng North Pacific Ocean, at posibleng maging mahinang bagyo ngayong araw o bukas.
Samantala, ayon sa Tropical Cyclone (TC) – Threat Potential Forecast ng ahensya, mababa ang tyansang maging bagyo sa loob ng 24 – 48 oras ng binabantayang isa pang sama ng panahon na nasa loob ng PAR partikular sa hilagang bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Sa kabila nito ay hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na ito ay maging ganap na bago pagdating ng araw ng Sabado o Linggo ngunit mananatili lamang ito sa Northern Luzon partikular sa may silangan ng Batanes.
Sa ngayon, patuloy pa ring nakakaapekto sa Palawan, Visayas, at Mindanao ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) o ang pagsasalubongan ng hangin mula sa Northern at Southern hemisphere na nagdudulot ng maulap hanggang sa maulap na papawirin.
Source: Albay PIO