Iriga: Pag-asa at Nutrisyon, handog ng Virac MPS sa mga mag-aaral ng Igang Elementary School

    0
    7

    Bilang bahagi ng pagdiriwang at pasasalamat ng kaarawan ni PMSg Antonino B. Aquino, MCAD PNCO, matagumpay na isinagawa ng Virac Municipal Police Station ang supplemental feeding program sa ilalim ng Project “BOWL OF HOPE” sa Igang Elementary School, katuwang ang mga miyembro ng KKK at KKDAT Virac.

    Layunin ng nasabing proyekto na makatulong sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga kabataang mag-aaral, habang pinalalakas din ang ugnayan at pagtutulungan ng PNP at ng komunidad.

    Mahigit 120 estudyante ang nakatanggap ng masustansyang pagkain—isang simpleng hakbang na naghatid ng tuwa at inspirasyon hindi lamang sa mga bata, kundi maging sa kanilang mga guro at magulang.

    Ipinapakita ng inisyatibang ito na ang tunay na diwa ng serbisyo publiko ay hindi lamang nakapaloob sa pagbibigay ng seguridad, kundi higit sa lahat sa pagpapamalas ng malasakit, pagkalinga, at pagmamahal sa kapwa.

    Source: Virac MPS

    Leave a Reply