Iriga: PA Daep hinikayat ang mga Albayano na paghandaan ang lindol

    0
    8

    Hinikayat ni Albay Provincial Administrator (PA) Dr. Cedric D. Daep ang mga Albayano na paghandaan ang lindol.

    Ayon sa opisyal, isa aniya sa dapat na i-monitor ang paggalaw ng Philippine Fault, isang left-lateral strike-slip fault system na umaabot sa humigit-kumulang 1250 km, isa sa mga mahahabang fault system sa bansa.

    Sa oras na gumalaw ang Philippine Fault Zone (PFZ), maari nitong maapektuhan ang mga lugar sa lalawigan ng Masbate, at Albay.

    “Dapat tang paghandaan sa Albay ining posibleng linog na maghahali diyan sa Philippine Fault na maagi digdi sa may parteng Masbate, between Albay and Masbate,” bahagi ng pahayag ng opisyal.

    Bukod sa Philippine Fault, dapat rin aniyang paghandaan ang posibilidad ng paggalaw ng Philippine Trench na malapit sa isla ng Catanduanes, na isa rin sa mga major fault system ng Pilipinas.

    “Saro pa ining Philippine Trench [sa dapat paghandaan], iyan maagi digdi sa Eastern Section kan Catanduanes dahil kung iyan ang mag-activate, [saro] iyan sa mga haralaba na fault, pag paghalaba ang fault, ang probability kan linog mas makusog, iyan ang seismological rule na dapat satuyang sunuduon,” pagbibigay-diin pa ng opisyal.

    Sa kasalukuyan ay patuloy ang capacity-building activities na isinasagawa ng Pamahalaang Lokal ng Albay para sa naturang seismic hazard.

    Nito lamang linggo ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang Provincial Earthquake Preparedness Planning Session na dinaluhan ng mga miyembro nito pati na rin ng mga Municipal, at City engineers, gayundin ng mga Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Officers (C/MDRRMOs).

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply