Iriga: National ID, dapat nang tanggapin sa anumang uri ng transaksyon sa mga bangko ayon sa PSA Bicol

0
156

Sinagot ni PSA-Bicol Regional Director Cynthia Perdiz ang reklamo at katanungan ng publiko hinggil sa hindi pagtanggap ng ilang mga bangko sa kanilang PhilSys o National ID para sa pagproseso ng transakyon dahil wala umano itong pirma.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Perdiz, nakarating na umano sa kanilang kaalaman ang mga insidente hinggil dito at bilang aksyon, ay mas palalakasin pa nila ang ‘information dissemination’ sa mga bangko at iba pang tanggapan sa Bicol na tanggapin at kilalanin ang National ID.

Pagbibigay diin ng opisyal, hindi na kinakailangan pa ng pirma para sa National ID dahil mayroon na itong “unique authentication feature” para sa identity ng holder nito.

Bukod aniya dito, nagbaba na rin ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa pagtanggap ng National ID bilang pruweba o identity proof sa anumang uri ng transaksyon.

(Source: Bicol News & Updates)

Leave a Reply