Iriga: NAPOLCOM: 62 pulis sa Bicol nasampolan sa kasong administratibo

0
5
(Photo courtesy of PNP)

Aabot sa 62 na mga pulis sa Bicol Region ang nasampolan sa kasong administratibo simula taong 2013 hanggang 2023.

Karamihan umano sa mga pulis na nasampolan ay nahaharap sa kasong Grave misconduct at conduct unbecoming a police officer, ayon sa datus mula sa National Police Commission (Napolcom).

Sa nasabing bilang, 28 sa mga ito ay mula sa Masbate, 15 sa Albay, 8 sa Camarines Sur, 6 sa Catanduanes, 3 sa Camarines Norte habang 2 naman sa Sorsogon.

58 sa mga nakasuhan an may ranggong patrolman at 4 naman ang patrolwoman.

Kaugnay nito, nanawagan ang Napolcom na bukas ang kanilang opisina sa publiko sa may mga idudulog na reklamo laban sa mga pulis. (Emman Lumapag)

Leave a Reply