Gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon ang Iriga City Farmers Day Celebration ngayon, Pebrero 10, sa pangunguna ng City Agriculture Office. Mahalaga ang ginagampanan ng mga magsasaka sa ating komunidad kaya naman sila ay binibigyang parangal sa pagdiriwang na ito ng Tinagba Festival 2023.
At isa sa mga gaganapin sa Farmers Day Celebration ay ang Pinaka Contest. Dito makikita ang galing ng ating mga kapatid na magsasaka sa pagtanim ng mga kakaibang halaman.
Bukod sa Pinaka Contest, magkakaroon din ng medical mission para sa mga Irigueñong magsasaka. Ito ay katuwang ang City Health Office at Ka Fuerte Medical and Dental Mission Group.
Kaya punta na sa Iriga City Sports Center, ala-9 ng umaga, para sa 1st Iriga City Farmers Day Celebration upang matunghayan ang mga pananim ng ating mga kapatid na magsasaka.
MUS NA KAMU MAG TINAGBA KITA! (Jv Navarro Verdeflor Jr via LGU Iriga Tinagba Festival)
