Iriga: Naga-Legazpi-Naga train stops and schedule

0
273

Matapos ang halos anim na taon, muli nang bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang biyaheng Naga-Legazpi-Naga sa darating na Miyerkules, Disyembre 27.

Apat na biyahe ang tatakbo sa higit 100 kilometrong haba ng riles mula Naga City, Camarines Sur hanggang sa Legazpi City, Albay, at pabalik.

Araw-araw, may byaheng 5:38AM at 5:30PM mula Naga papuntang Legazpi. Ang byaheng Legazpi patungong Naga ay 5:45AM at 5:47PM.

Kaakibat nito ang pagbubukas ng tatlong istasyon sa naturang ruta: Travesia, Daraga, at Legazpi. Titigil din ang tren sa istasyon sa Naga, Pili, Iriga, Polangui, at Ligao.

Walong flag stops naman ang daraanan ng ruta: Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.

Magsisimula ang pamasahe sa P15.00 para sa unang istasyon at aabot sa P155.00 hanggang sa huling istasyon ng tren. Mayroon namang 20% discount ang mga pasaherong senior citizens, estudyante at persons with disability. 

Nagpapaalala ang PNR na dalhin lamang ang mga IDs para magamit ang discount. Matatandaang Abril noong 2017 nang suspindihin ang operasyon ng PNR sa nasabing ruta dahil sa kakulangan ng train coaches at locomotives. 

(Source: PIA Albay)

Leave a Reply