36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Iriga: Nabua MPS at Municipal Advisory Council patuloy na nagsasagawa ng community-based outreach program sa tatlong piling barangay sa bayan ng Nabua

- Advertisement -

Bilang pagtugon sa Peace and Security Framework ni CPNP PGEN RODOLFO S AZURIN JR. na kilala sa MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran, ang kapulisan ng Nabua, sa pamumuno ni PLTCOL PAUL DM CABUG, COP, katuwang ang Municipal Advisory Council, ay nagsasagawa ng Community-based Outreach Program sa Brgy San Antonio Ogbon, San Vicente Ogbon at San Roque Madawon, Nabua, Camarines Sur.

Ang nasabing aktibidad ay gagawin sa loob ng anim na buwan na nagsimula na noong March 13, 2023. Dito ay nagsasagawa ng supplemental feeding mula Lunes hanggang Biyernes sa 38 piling bata na nakakaranas ng malnutrisyon, na may gulang na isa hanggang 5 taon (1-5 yrs old) ng mga nasabing barangay.

Layunin ng gawaing ito na makapagbigay saya at ngiti sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pagkaing masustanya. Ito ay isa ring pamamaraan upang mas mailapit ang puso at isip ng mga kabataan sa kapulisan.

Ang PNP Nabua ay patuloy na magsasagawa ng mga gawain, programa, at proyekto na susuporta sa kapakanan at kaunlaran ng bawat batang Nabueño. Ang lahat ng ito ay para sa bata, para sa bayan. (Jv Navarro Verdeflor Jr via MPS Nabua, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -