28.2 C
Manila
Thursday, May 26, 2022

Iriga: Misa ng Pasasalamat sa Naga Metropolitan Cathedral sa Naga City na pinapangunahan ni Archbishop Rolando Tirona

- Advertisement -

Matapos ang banal na misa na pinangunahan ni Archbishop Rolando Tirona ng Archdiosese of Caceres sa Naga Metropolitan Cathedral Martes ng gabi, Mayo 10 ay nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta na dumalo sa Misa ng Pasasalamat.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay VP Leni Robredo, dama niya ang lungkot ng kanyang mga tagasuporta.

“Gusto ko saindong isigurado na namamati mi ang namamatian nindo, pareho lang kitang namamatian. Gusto mi ipaabot saindo,sa saindong paghadit, an saindong kaangutan, dara dara ta  an ngunyan. Siguro ilaag ta sa tama si pagmundo kan namamati ta, aram ko na gulpi saindo pungot, nahibi, naluyahan buot.”

(Gusto kong siguraduhin sainyo na nararamdaman namin ang nararamdaman ninyo, pareho lang tayo ng nararamdaman. Gusto naming ipaabot sainyo, sa inyong pag-alala, saiyong pagkagalit, dala dala natin ang mga ito ngayon. Pero siguro ilagay natin sat ama ang nararamdaman natin, alam kong marami sainyo ang nagalit, umiyak at pinanghinaan ng loob.”

Sinabi niya rin na kailangang tanggapin ang resulta ng halalan pero hindi pa rito natatapos ang laban.

“Sakuya, ang kahagadan ko ngunyan sana while nagmumundo, gabos kita siguro dae pa makatubod sa resulta kang eleksyon. Kung ano man ang final na result, pero mayo pa man final na result pero kung ano man ang final na result akuon ta dahil iyan si pagpupunan  na mas dakulang kusog  na puwede tang pagkasararoan, iniyo dae ko sinasabi  na dae ta intindihon si mga problema na pigpaabot satuya. Pero ang gusto ko lang sabihon  na igwa pang masa darakula pang laban  si satuyang laban dae pa tapos sa eleksyon. Kadakol si mga matang nabuksan tapos si mga boot na napukawan habang may laban mapadagos. Ining laban bako ini sa eleksyon  pero laban para sa maray na pagobernar digdi sa satuyang lugar.”

(Sa akin, ang kahilingan ko ngayon na kahit nalulungkot, lahat tayo siguro hindi pa makapaniwala sa resulta ng eleksyon. Kung anuman ang final result, tanggapin natin ito dahil magbibigay ito ng ng lakas sa atin para magkaisa. Hindi ko sinasabi na pabayaan natin ang mga problema na ipinaabot sa atin. Pero ang gusto ko lang sabihin na meron pang mas malalaking laban na hindi natapos sa eleksyon. Maraming mga matang nabuksan at napukaw ang mga damdamin na habang may laban ay magpapatuloy. Itong laban na ito ay hindi para sa elekyon kunti laban para sa magandang pag-gobyerno sa ating lugar.)

Sa kabila ng nangyari, positibo pa rin si VP Leni na ang tama pa rin ang iiral.

“Pagkita naglalaban sa tama dae kita mapapasala, siguro dae ta ginana si eleksyon, dae ta gaganahon  si eleksyon pero dae ko pigkokonsiderar  na kadaugan dahil kadakol kitang na-achieve ngunyan na eleksyon. Ang satuyang pinaglalabanan para sa mga tultol, sa mga nakatukaw sana dae kamo mapagal ta ang pibaglalaban ta dae natatapos ngunyan padagos kitang pakikipaglaban.”

(Kapag tama ang ipinaglalaban, hindi tayo magkakamali. Siguro hindi tayo nanalo sa eleksyon o hindi tayo mananalo pero hindi ko ito tinitingnan na pagkatalo dahil marami tayong na-achieve ngayong elekyon. Ang ating pakikipaglaban para sa maayos, sa mga nakaupo sana hindi kayo mapagod dahil patuloy ang ating pakikipaglaban.)

Sa huli, ang pakiusap niya sa mga tagasuporta na sana ay walang pagsisisi.

“Sana mayong pagbasol, sa mga puso saka boot ta. Aram ta na ginibo ta ang gabos. Si gabos na higos, si gabos na sakripisyo bako lang ako pero lalo kamo. Nahiling ko si dusay nindo para sa elekyon na ini. Lugod na si idinusay ta madara ta sa dakulang laban na maabot pa satuya gabos, sa liwat po ang sakuyang pagpapa Dios Mabalos sa saindo gabos. Mati ming maray ang saindong pagpapadangat saka suporta, iyan ang nagtatao samuya nin kakusugan nin boot sa mga masunod na aldaw.

(Sana walang pagsisisi sa ating mga puso at pakiramdam. Alam natin na ibinigay natin ang lahat. Lahat ng sipag at pagsasakripisyo, hindi lang ako pero lalo na kayo. Nakita ko ang pagsakripisyo ninyo para sa eleksyon na ito. Sana lahat ng isinakripisyo natin ay madala natin sa mas malaking pang laban na dadating sa atin. Sa muli ay ang aking pagpapasalamat. Ramdam naming ang inyong pagmamahal at suporta, yan ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob para sa mga susunod pang araw.)

Sa mensahe naman ni Archbishop Tirona, kailangan raw na manatiling mapayapa.

“Manatiling payapa sapagkat doon niyo huhugutin ang lakas at totoo, ang liwanag ng bagong pananaw, lalong lalo na ang sigla ng inyong espiritu. Hwag tayong manghinayang sinusubok tayo, mas binibigyan tayo ng lakas, di pa tapos ang laban, ang ating sandata ay ang ating pananalig sa Diyos, ang ating sandata ay pagmamahal sa kapwa, ang ating sandata ay ang ating pagkauhaw sa katarungan, ang ating sandata ay ang ating pagkakaisa.”

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -