29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Mataas Na Death Cases Sa COVID-19 Naitala Sa Bicol; Mga Bagong Kaso Mas Mababa Dahil Sa Ilang Hindi Naisumiteng Specimen

- Advertisement -

Bicol Region – Nagtala ng mataas na bilang ng mga panibagong nasawi dahil sa COVID-19 ang Bicol region na umabot sa 19.

Sampo nito ay mula sa Camarines Sur, lima sa Naga City at apat sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 1, 396 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Samantala, 35 lamang ang mga bagong kasong naitala matapos na mabigong makapgsumite ng specimen ang ilang probinsya para sa pagsusuri sa BRDRL.

Kabilang dito ang islang probinsya ng Masbate at mga lalawigan ng Sorsogon at Camarines Norte na pare-parehong zero new case. Inaasahang makakapagsumite ang mga ito ng samples ngayong araw.

Sa 35 bagong kaso, 32 ang mula sa Camarines Sur kung saan tigpito ang Naga City at Presentacion, anim sa Nabua, tigdalawa ang Magarao at Sipocot at tig-iisa ang Calabanga, Libmanan, Ocampo, Pamplona, Pili, Sagñay, San Jose at Tigaon.

Dalawa ang bagong kaso sa Albay na mula sa Darag at Legazpi City habang isang kaso naman ang naitala sa Catanduanes na mula sa bayan ng San Andres.

Sa kabuuan, umaabot na sa 43, 695 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Wala pang pinal na ulat hinngil sa mga bagong gumaling at ayon sa DOH, ilalabas na lamang sa mga susunod na oras.

(Source: DOH Bicol CHD | Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -