35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: Meat Processing Facility Sa Mati City, Binuksan Na

- Advertisement -

Davao Oriental – Ikinagagalak ng maraming mamamayan ng Mati City ang pagbukas ng meat processing facility na nasa loob ng Madang Public Market sa lungsod ng Mati.

Ang pagbukas sa nasabing pasilidad sinaksihan ni Mati Mayor Michelle Nakpil Rabat kasama ang iba pang mga opisyal ng lungsod.

Sa impormasyon mula sa Mati City Information Office na matagal na sana’ng iminungkahi ng City Veterinary Services Office ang paglagay ng meat processing facility.

Sa pamamagitan ng mini meat processing facility, makasisiguro ang mamamayan ng lungsod ng presko at malinis na processed meat na ibebenta sa palengke.

Pinapayagan na makagamit ng pasilidad ang mga accredited vendors, kung saan sa ngayon mayroon itong lima’ng grupo.

Plano umano ng lokal na gobyerno na tawaging Mati’s Choice ang mga processed meat na dadaan sa nasabing pasilidad.

Dagdag pa dito, sino mang gustong magpa-accredit at gagamit sa pasilidad dapat muna’ng kukuha ng permit.

(Source: Mati City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -